What my clients have had to say.

“Importante sa aking na malaman ko kung hanggang saan ang capacity ko (sa pagbili). Kayo ang masmagandang ka-deal. Nakakapag-usap tayo ng maayos, na-e-express ko ang sarili ko kasi same language, same culture. Sa inyo, puwede akong mangulit, nasasabiko lahat ng gusto mo. Sa iba kasi hindi.”

Luz

Surrey, BC

“Maganda na you speak the same language. Maganda na kayo ay kapwa Pinoy. Na-explain ninyo ng maayos ang proseso. Natulungan nyo kaming kumuha ng bahay kahit 2 years pa lang kami. Iyong effective communication kasi iyong takot namin at discouragement napalitan ng drive na makabili. Na-explain ninyo sa amin ng husto ang step by step na gagawin. Nagawan ninyo ng paraan na ma-approve kami. Grabe kayo mag-encourage sa aming mga bago dito sa Canada. Dati na discourage na ako sa dati kong Broker. Pero sa inyo kabaligtaran binalik ninyo sa akin ang drive ko na makabili”

Maria

Surrey, BC

“Madali kang kausap, accommodating. Dahil sa inyo may bahay kami ngayon. Sobrang pasasalamat kami kay Jason na pinakilala niya ako sa inyo. Naging madali ang pagkuha namin ng bahay. Mabilis at smooth ang transaction. Pag-alaga ninyo sa aming mahalaga yon. Pag ni-refer ko kayo sasabihin ko siympre iyong kung paano mo ako inalagaan at na-aprubahan”

Ed

Nanaimo, BC

“You’re the best! Importante sa akin yung communication, sariling wika, mababait kayo, walang pressure. Also hanggang ngayon you are keeping in touch at easily accessible, you’re there whenever we have a question. Pag English – hindi naiintindihan pag sa iba, iba na pala ang pagkakaintindi. Sa inyo walang pressure”

Beth

Vancouver, BC

“ Importante sa amin yung pagdating sa pagpa-process….. cccording kung ano yung gusto namin. Satisfied kami. Na-meet yung expectatIon namin tapos palaging pa kayong nag-fo-follow up. Explanation binigyan ninyo kami pati attention at consideration. You satisfy needs of the client, pinaka importante yung nakikinig sa gusto or wish ng client”

Emlyn

Coquitlam, BC

“I feel comfortable noong unang usap pa lang. I felt reassured that I will be taken cared of. You were informative. You guided me. May sagot agad (immediate pre-approval). Kasi yun ang goal ko, naapektuhan yung decision making pag may kailangan at mabilis ang sagot. I felt that the services provided to me is not only purely business but there is a feeling that you are being taken cared of as part of a family which I believe make the whole process easier”

Leah

Richmond, BC

Mahalaga sa akin yung pagbigay ninyo ng impormasyon naibigay ninyo agad. Mabilis yung aksiyon, natutuwa ako malaman na pwede na pala kaming makabili. Sinadabi ko sa mga ini-rerefer ko magaganda yung mga tao din at Matagal na kayo sa serbisyo at sigurado.

Danny

Surrey, BC

“Marami kaming nagustuhan sa inyo like mabilis kayong mag-process. Also, you listened to our situation and gave us the best possible option. Very convenient lalo na puwede yung transaction by phone. Very patient. Mabilis umaksiyon sa concerns ng client. Mababait kayo at mabilis magtrabaho”

Elvin

Coquitlam, BC

“Sa inyo, I feel comfortable, trust at confident ako since kapwa Pinoy alam ko na tutulungan ninyo ako. Itong bahay ko ngayon, kung wala sa tulong ninyo, wala akong bahay ngayon. Iyon ang pinaka importante..ang bahay ko ngayon. Iyong mga options na binigay nyo, nagustuhan ko. Kasi di ka tali sa isang option lang at iyong mga options ninyo ang nakatulong sa pagdesisyon ko. Unlike sa Bank na isa lang and I-pre-present nila”

Eliza

Coquitlam, BC

“Importante sa amin yun Assistance na ma-approve sa banko na makakuha ng bahay. Kasi busy kami sa job malaking bagay yung nag-fo-follow up. Minsan kasi nakakalimutan namin yung mga documents. Yung unang mortgage broker broker na kausap namin, hindi naman tinuloy kasi hindi nag fa-follow up. Kung hindi namin na-submit and docs hind itumatawag. Alam kong kami ang may kailangan pero iba pa rin na yung kausap ko, magaling mag-folow up. Good service kayo. All aspects, kayo ang lahat ang nag-aasikaso—maasikaso kayong tumawag at mag-follow up”

Irene

Richmond, BC

Pin It on Pinterest